Ako na nasaktan, ako pa rin ang nagdurusa :|
Ang HIRAP. Ang hirap ng pakiramdam na mahal na mahal at umaasa ka pa rin sa isang tao na sumira na sa tiwala mo at ng mga kaibigan mo. Yung tipong araw araw umaasa ka pa rin na magbabago siya, na mamahalin ka rin niya. PUTANGINA lng. Kahit anong iwas ang gawin ko, nagkikita’t nagkikita tayo. Tapos paguwi, FB mo pa rin ang tinitignan ko. Ang hirap kapag naging daily routine mo na ang mga bagay na to. Ikaw ba naman ang isang taong “nanliligaw” eh tapos malalaman mo na ganun pala ang ugali niya. Harap harapang pangpplastik ang level niya teh pero eto ako, after masabi sa kanya ang mga kamalian niya, umaasa sa milagro na mag180 degrees ang ugali niya. Sa tuwing nakikita kita, aminado ako, bumabalik pa rin yung “love at first sight” feeling pero habang bumabalik ako sa aking kamalayan, bigla kong naiisip yung mga pinagsasabi mo, yung pagtrato mo sa mga kaibigan ko. Tapos neto, maguguluhan na ko, hindi ko na alam ang dapat na feeling ko, kung magagalit ba ako sayo o yung pagmamahal ang iiral. TANGINA. Gusto man kita bigyan ng one more chance bilang kaibigan pero alam kong ligawan lng ulit ang kakahantungan nito at hindi ko alam kung ano mangyayari saken pero ang hirap din naman na kalimutan na lng kita, lalo na’t lagi tayong nagkikita. Ayaw ko din naman na alisin ka sa friend’s list ko or yung number mo dahil napatawad na kita sa ginawa mong kasalanan. TULONG. TULONG. TULONG. :’c